8 Pa
"Lunes hanggang Sabado puro nalang trabaho at pagsapit ng Linggo kaylangan may negosyo. Maghanap ng raket. At baket? Para laging may laman ang aking wallet. Ang panget! Ang panget ng laging nakasabit. Bitin sa hangin ang pang walang makain, ‘Wag na akong tanungin kung may bigas pang isasaing. Sakit na isipin, taas na ng bilihin. Pilitin mong abutin! Kita mo, makakaraos din!"
Etong first verse ng kantang "8 pa" ng Grin Department, halos makarelate ako sa kantang ito. Sa unang linya ng kanta, halos kapareho siya ng buhay estudyante ko. Lunes hanggang Sabado, may klase ako. May mga vacants naman ako pero ginagamit ko naman iyon hindi lang para sa pang sariling kapakanan. Ginagamit ko rin iyon para sa iba. Tumutulong ako sa paraan na kaya ko. Tapos pagdating ng Linggo, may pinupuntahan ako para ipatama kung meron mang mali sa nagawa ko para sa kanila. Parang negosyo narin kumbaga dahil ito marahil ang aking magiging trabaho pagdating ng panahon. Ang gumawa ng mga Computer Progams. Gusto ko naman ito kaya walang problema sa’kin. O pwedeng ito ang maging side-line o raket ko. Gusto ko rin kasing magtrabaho sa isang malaking kompanya na ang trabaho ko ay gumawa din ng mga Computer Programs o related sa programming. Pero bakit nga ba kaylangan pa yung may side-line kung may trabaho ka na? Syempre dahil hindi ka sigurado kung kelan darating ang tag-gutom. Kaylangan mong maging masipag hindi lang para umasenso kundi para mabuhay narin. Hindi sapat ang paRaket-raket ka lang. Mas mabuti kung may permanente kang trabaho. Dahil sa taas na ng mga bilihin, marami narin ang naghihirap, nagugutom. Pero sabi nga sa kanta, "Kita mo, makakaraos din!" kaya kaylangan lang ng sipag at tiyaga.