5th FLOOR
Isang maulan na araw na naman. Gumising ako ng maaga para pumunta sa Cyber para magresearch at para makapagbukas narin ng mga emails, messages at posts sa forum. Dumating ako sa Cyber ng mga 9:00am na. Ang akala ko pa non, puno na dahil 8:00am sila nagbubukas. Pero swerte ko naman, may dalawang bakante. Dun ako pumwesto sa likod. At tulad ng nakasanayan kong gawin kapag nagiinternet, bukas ng YM, bukas ng Friendster, tska ng forum. Kasabay non, nagYahoo search ako para sa report ko sa Art Application. Halos hindi ko nga naasikaso yung sinesearch ko eh! Hahaha! May makulit kasi sa YM eh. Taz minsan, nauuna ko pa yung forum na basahin kesa dun sa paghahanap ng information para sa report ko. Marami kasing nagpopost sa forum na humihingi ng tulong about sa programming. Eh nakasanayan ko na, na tumulong kapag alam ko kung ano yung gagawin. Mga 11:00 na nung naasikaso ko yung para sa report ko. Nagmadali ako dahil may klase pa ako ng 2:00pm sa Letran. Isang oras ang biyahe tapos hindi pa ako naglulunch. An masama pa non, wala pa akong nahahanap para sa report ko. Pagkalipas ng 30 minutes, may nahanap naman ako. Mga pictures na kaylangan ko at mahahalagang mga informations about sa report ko. 12:30pm na nung umalis ako ng Cyber, dumaan muna ako kay papa para magpaalam. Swerte namang hinatid nya ako sa Tabon gamit yung pickup. Tapos pumunta ako ng Letran. Ang akala ko pa non, malalate ako pero kabaliktaran. May 30 minutes pa kaya naginternet ulit ako. Ang adik ko no? Haha! Pagkatapos non, pumunta na ako ng campus para sa klase ko. May mga ate pagkapasok mo sa loob ng gate. Naalala ko, Freshmen Knight nga pala ngayon! Nagaayos naman yung iba para sa dun sa nasabing okasyon. Pagdating ko sa klase, as usual, NO TAGALOG POLICY na naman. Free Elective nga pala yung subject namin dun kaya ganun. Pinakita samin yung result ng exam tapos pinagsulat kami ng essay tungkol sa "Most Amazing Part of Your Life". Sa 1 whole yellow pad yun isusulat. Eh yung papel kong dala, 1/2 lang tska 1/4 kaya nanghingi ako sa katabi ko. Tapos sinimulan ko na ang pagsusualat, nung matatapos na ako, napanson ko na iba pala ang nagawa ko. Naging "Wonderful Part of My Life" kaya nagpaalam ako sa instructor ko na lalabas ako para bumuli ng papel sa labas. Nahiya na akong manghingi ulit ng papel eh. Tapos sinulat ko na yung nararapat na isulat para dun. Nung natapos na kami lahat, babasahin daw namin yun sa harap. Nagsimula ng magtawag yung instructor namin. Swerte ko naman na next meeting pa yung akin kasi naubusan na kami ng oras. Tinanong ako ng instructor ko kung nagtake na daw ako ng individual speech. Eh hindi pa ako nakakakuha kaya sabi niya maiwan daw ako after ng klase. Nung natapos na yung klase, kami nalang yung naiwan ng instructor ko. May binigay sa’kin siyang papel na ang laman ay Fairy Tale. So binasa ko siya ng may arte. Ganun daw dapat eh at luckily, tatlo lang yung mali ko. Yung iba kasi, walo pataas yung mali nila. Pagkagaling ko sa school, pumunta ako sa crossing para maginternet tsaka para makita na rin yung mga kaibigan ko. Bandang 5:30pm yun. Pagkatapos kong magcomputer sa shop, pumunta ako sa dati kong school, mga gabi na yun! Siguro mga 7:40pm? Gusto ko kasing sumabay ng uwi kila mama. May event kasi sa TRACE. May laro ng basketball, Regional ata yun? Pagdating ko dun, patapos na daw yung laro kaya hindi na ako nanood. Hinintay ko nalang si mama. Nung pauwi na kami, nakita ko yung dating building, yung pinaka unang building ng TRACE. Nakita ko na parang nireretoke siya. Tinanong ko si mama kung anong gagawin dun sa building na iyon. Sabi niya gagawin daw yung hotel, extension ng TRACE Suites. Bigla tuloy pumasok sa isip ko na baka hindi ko na ulit makikita yung lugar na kung saan, madalas kaming pumunta pagkatapos ng klase. Yung lugar na maganda ang tanawin at masarap ang hangin. Lugar na kung saan madalas kaming magkasama. Ang lugar na ginagawa kong dahilan para lang magkasama kami. Yung dahilan na yun, gagawa daw ng assignment pero n=hindi naman. Madalas kaming makita dun ng mga kaklase ko at madalas, inaasar nila ako. Iyon ay malapit lang sa dating library at yung lugar na iyon ay ang fifth floor ng old building ng TRACE.