Pano kaya?

August 11th, 2008 by amfugeh

Pano kaya kung hindi naimbento ang pera?

  Lahat kaya libre?

Pano kaya kung halos lahat ng gawin mo mali?

  May gagawin ka pa kaya?

Pano kaya kung walang emo?

  Lahat kaya masasaya?

Pano kaya kung walang walang nasasaktan?

  Lahat kaya magagaan ang loob?

Pano kaya kung yung hinihintay mo ay iniwan ka na?

  Hihintayin mo parin ba?

Pano kaya kung yung pinakamamahal mo ay mayroon na palang iba?

  Maghahanap ka narin ba ng iba?

Pano kaya kung hindi nauso ang pagpapakamatay?

  Lahat kaya mabubuhay ng matagal?

Pano kaya kung gusto mo ng mawala sa paningin ng lahat?

  Magagawa mo kaya?

Pano kaya kung mawala ka nga sa paningin ng lahat?

  May maghahanap kaya? Makakaalala?

Pano kaya kung malaman nila na nawala ka na ng tuluyan?

  May malulungkot kaya? Iiyakan ka kaya?

Pano nga kaya kung mangyari yan lahat sa buhay mo?

  Makita pa kaya kitang humihinga?

8 Pa

August 11th, 2008 by amfugeh

"Lunes hanggang Sabado puro nalang trabaho at pagsapit ng Linggo kaylangan may negosyo. Maghanap ng raket. At baket? Para laging may laman ang aking wallet. Ang panget! Ang panget ng laging nakasabit. Bitin sa hangin ang pang walang makain, ‘Wag na akong tanungin kung may bigas pang isasaing. Sakit na isipin, taas na ng bilihin. Pilitin mong abutin! Kita mo, makakaraos din!"

Etong first verse ng kantang "8 pa" ng Grin Department, halos makarelate ako sa kantang ito. Sa unang linya ng kanta, halos kapareho siya ng buhay estudyante ko. Lunes hanggang Sabado, may klase ako. May mga vacants naman ako pero ginagamit ko naman iyon hindi lang para sa pang sariling kapakanan. Ginagamit ko rin iyon para sa iba. Tumutulong ako sa paraan na kaya ko. Tapos pagdating ng Linggo, may pinupuntahan ako para ipatama kung meron mang mali sa nagawa ko para sa kanila. Parang negosyo narin kumbaga dahil ito marahil ang aking magiging trabaho pagdating ng panahon. Ang gumawa ng mga Computer Progams. Gusto ko naman ito kaya walang problema sa’kin. O pwedeng ito ang maging side-line o raket ko. Gusto ko rin kasing magtrabaho sa isang malaking kompanya na ang trabaho ko ay gumawa din ng mga Computer Programs o related sa programming. Pero bakit nga ba kaylangan pa yung may side-line kung may trabaho ka na? Syempre dahil hindi ka sigurado kung kelan darating ang tag-gutom. Kaylangan mong maging masipag hindi lang para umasenso kundi para mabuhay narin. Hindi sapat ang paRaket-raket ka lang. Mas mabuti kung may permanente kang trabaho. Dahil sa taas na ng mga bilihin, marami narin ang naghihirap, nagugutom. Pero sabi nga sa kanta, "Kita mo, makakaraos din!" kaya kaylangan lang ng sipag at tiyaga.

M A Y A B A N G ?

August 9th, 2008 by amfugeh

Mayabang??

Mayabang na ba ang tawag kapag
gusto mong tumulong sa isang maliit na bagay?
Mayabang na ba ang tawag kapag
gusto mo lang maging mabait sa iba?
Mayabang na ba ang tawag kapag
gusto mo lang na maging mapagbigay sa iba?
Mayabang na ba ang tawag kapag
tinaggihan mo ang isang bagay dahil
  hindi mo ito kayang tanggapin?

Sa pagkakaunawa ko,
ang mayabang ay yung mga nagsasalita ng para sa
  ikakaangat nila peo wala naman itong katotohanan.
Mayabang na sakin yung masyadong mataas o malaki
ang tiwala sa sarili.
Mayabang na sakin ang masyadong ipinagmamalaki
ang nagawa nila na hindi kaya ng nakararami.
Mayabang na sakin yung sinasadyang pagtawanan ka
sa mali mong nagawa.

5th FLOOR

August 4th, 2008 by amfugeh

Isang maulan na araw na naman. Gumising ako ng maaga para pumunta sa Cyber para magresearch at para makapagbukas narin ng mga emails, messages at posts sa forum. Dumating ako sa Cyber ng mga 9:00am na. Ang akala ko pa non, puno na dahil 8:00am sila nagbubukas. Pero swerte ko naman, may dalawang bakante. Dun ako pumwesto sa likod. At tulad ng nakasanayan kong gawin kapag nagiinternet, bukas ng YM, bukas ng Friendster, tska ng forum.  Kasabay non, nagYahoo search ako para sa report ko sa Art Application. Halos hindi ko nga naasikaso yung sinesearch ko eh! Hahaha! May makulit kasi sa YM eh. Taz minsan, nauuna ko pa yung forum na basahin kesa dun sa paghahanap ng information para sa report ko. Marami kasing nagpopost sa forum na humihingi ng tulong about sa programming. Eh nakasanayan ko na, na tumulong kapag alam ko kung ano yung gagawin. Mga 11:00 na nung naasikaso ko yung para sa report ko. Nagmadali ako dahil may klase pa ako ng 2:00pm sa Letran. Isang oras ang biyahe tapos hindi pa ako naglulunch. An masama pa non, wala pa akong nahahanap para sa report ko. Pagkalipas ng 30 minutes, may nahanap naman ako. Mga pictures na kaylangan ko at mahahalagang mga informations about sa report ko. 12:30pm na nung umalis ako ng Cyber, dumaan muna ako kay papa para magpaalam. Swerte namang hinatid nya ako sa Tabon gamit yung pickup. Tapos pumunta ako ng Letran. Ang akala ko pa non, malalate ako pero kabaliktaran. May 30 minutes pa kaya naginternet ulit ako. Ang adik ko no? Haha! Pagkatapos non, pumunta na ako ng campus para sa klase ko. May mga ate pagkapasok mo sa loob ng gate. Naalala ko, Freshmen Knight nga pala ngayon! Nagaayos naman yung iba para sa dun sa nasabing okasyon. Pagdating ko sa klase, as usual, NO TAGALOG POLICY na naman. Free Elective nga pala yung subject namin dun kaya ganun. Pinakita samin yung result ng exam tapos pinagsulat kami ng essay tungkol sa "Most Amazing Part of Your Life". Sa 1 whole yellow pad yun isusulat. Eh yung papel kong dala, 1/2 lang tska 1/4 kaya nanghingi ako sa katabi ko. Tapos sinimulan ko na ang pagsusualat, nung matatapos na ako, napanson ko na iba pala ang nagawa ko. Naging "Wonderful Part of My Life" kaya nagpaalam ako sa instructor ko na lalabas ako para bumuli ng papel sa labas. Nahiya na akong manghingi ulit ng papel eh. Tapos sinulat ko na yung nararapat na isulat para dun. Nung natapos na kami lahat, babasahin daw namin yun sa harap. Nagsimula ng magtawag yung instructor namin. Swerte ko naman na next meeting pa yung akin kasi naubusan na kami ng oras. Tinanong ako ng instructor ko kung nagtake na daw ako ng individual speech. Eh hindi pa ako nakakakuha kaya sabi niya maiwan daw ako after ng klase. Nung natapos na yung klase, kami nalang yung naiwan ng instructor ko. May binigay sa’kin siyang papel na ang laman ay Fairy Tale. So binasa ko siya ng may arte. Ganun daw dapat eh at luckily, tatlo lang yung mali ko. Yung iba kasi, walo pataas yung mali nila. Pagkagaling ko sa school, pumunta ako sa crossing para maginternet tsaka para makita na rin yung mga kaibigan ko. Bandang 5:30pm yun. Pagkatapos kong magcomputer sa shop, pumunta ako sa dati kong school, mga gabi na yun! Siguro mga 7:40pm? Gusto ko kasing sumabay ng uwi kila mama. May event kasi sa TRACE. May laro ng basketball, Regional ata yun? Pagdating ko dun, patapos na daw yung laro kaya hindi na ako nanood. Hinintay ko nalang si mama. Nung pauwi na kami, nakita ko yung dating building, yung pinaka unang building ng TRACE. Nakita ko na parang nireretoke siya. Tinanong ko si mama kung anong gagawin dun sa building na iyon. Sabi niya gagawin daw yung hotel, extension ng TRACE Suites. Bigla tuloy pumasok sa isip ko na baka hindi ko na ulit makikita yung lugar na kung saan, madalas kaming pumunta pagkatapos ng klase. Yung lugar na maganda ang tanawin at masarap ang hangin. Lugar na kung saan madalas kaming magkasama. Ang lugar na ginagawa kong dahilan para lang magkasama kami. Yung dahilan na yun, gagawa daw ng assignment pero n=hindi naman. Madalas kaming makita dun ng mga kaklase ko at madalas, inaasar nila ako. Iyon ay malapit lang sa dating library at yung lugar na iyon ay ang fifth floor ng old building ng TRACE.

Y O S I

August 1st, 2008 by amfugeh

Tinanong ako ng isa sa mga kakilala ko.
Isang kaibigan.

"Ba’t ka ba naninigarilyo? Ano bang
meron jan? Porma? Astig? Cool?"

Sinagot ko siya..

"Simple lang naman.
Malapit kasi ang PUSO sa BAGA..

Sa bawat hit-hit at sa bawat buga,
tinatakpan nito ang puso ko..

Binabalutan ng usok..
Usok na nagpapamanhid sa damdamin
na parang anesthesia..

Sa ganitong paraan, lahat ng sakit na
nararamdaman ng puso ko, nababawasan..

Mas gugustuhin kong maunang mawasak
and baga ko..

Kesa sa unti-unti akong mamatay
sa hapdi na nararamdaman ng puso ko."

Masarap tumulong..

July 31st, 2008 by amfugeh

Masarap tumulong..

Lalo na kung yung tinutulungan mo,
kaylangan na kaylangan nya yun.

Masarap sa pakiramdam ang makita mo
siya na masaya dahil sa nagawa mo.

Pero ang maganda dun,
nakatulong ka na,
nakapagpasaya ka pa!

At hindi lang yun!
Nasanay mo rin ang sarili mo
kung sakali man na dumating din
sayo yung ganung sitwasyon.

Pero minsan,
hindi mo namamalayan,
napapabayaan mo na ang sarili mo.

Masyado kang nalilibang at
hindi mo na naiisip ang para sayo.

Gusto mong bawasan..
Pero kapag nakasanayan mo na,
mahirap ng alisin.

Parang sa mga smoker,
kapag naaddik ka na,
mahirap ng bumitaw.

Kapag binigla mo naman,
hahanap-hanapin mo parin.

Kaya minsan,
di mo na alam kung ano
ang gagawin mo.

Pero ang pinaka mahalaga dun,
kung ano ang makakapagpasaya
at makakabuti para sa’yo,
yun nalang ang piliin mo.